Isip

Akala ko. Akala ko talaga madali lang. Akala ko dahil sa madali ko lang mapansin ang mga bagay bagay kaya naramdaman ko ito. Hindi pala. 

Pag binasa mo ang isip ko, parang sobrang komplikado ng sitwasyon, pero pag tiningnan mo ang mga mata ko alam mo na agad ang kasagutan sa hinaing ko. 

Pero syempre, natatakot ako, at masaya na akong obserbahan ang mga bagay bagay sa malayo. Yun nga. Akala ko madali lang. Akala ko ganun lang. Normal naman na siguro talaga na gusto mo lang talaga yung totoo kahit hindi maganda pakinggan. Siguro yung tipong limitahan lang yung nalalaman mong katotohanan, ung impormasyong kasama ka o  kailangan mo lang malaman. Ganun ang lagi kong iniisip sa sarili ko. Gusto ko kasi laging maging lohikal sa mga desisyon ko. Tuwirin mo na kesa maging mas komplikado pa. Parang ganun. Pero ngayon, parang mas mainam na iniisip ko lang ito at ginagawang inspirasyon. 

Habang lumilipas ang mga araw, parang animoy nararamdaman din ng paligid ang gusto mo at lumalapit sa iyong parang tukso. Masaya ka pa din. Kahit hanggang doon lang. 

Akala mo titigil na yung pag ikot ng mundo, yung tipong ganyan lang lagi. Pero hindi. Naisip kong ang pag aakala ay nakakatulong para matuto at maging responsable ang pag iisip ko. Iikot at iikot ang mundo. Oo. At hindi mo alam kung anong parte ng bilog ang tatama sa ibaba at ang iibabaw sa taas. Malay mo. Yung ‘pag aakala’ naging ‘malay mo’.

Iniisip ko lang lahat. Nasa isip ko lang. Tumatakbo. Napupunan ang kasiyahan. Malay mo. Sa pag iisip mo palagi, di mo na pala namamalayan nag sasabi ka na pala ng malay mo. Nakikisama ang panahon, ang sabi ko sa sarili ko. Pero hindi ko tinanggal sa isip ko ang takot ng pag aakala. Ngunit sa sobrang tibay ng mga pangyayari sa bawat araw na ikaw mismo ramdam mong nangyayari na ang gusto mo. Sunod na pala noon ay ang pagtatanong ko ng kontento na ba ako? Ang dating ‘kahit hanggang doon lang’ na pangungusap ay naging patanong, nawala ang ‘kahit’ at napalitan ng ‘ba?’ sa dulo. Yung salitang ‘kahit’ na animoy umaabot lang napalitan ng ‘aba’, yung tipong may pinanghahawakan ka na.

Maraming komplikasyon pero sa panahon ngayon, ayaw na ng mga tao ang komplikadong bagay. Sino bang gusto? Pero naisip ko, dito ko din napatunayang totoo ang nararamdaman ko. 

Masaya. Kahit na naging aba. Alam kong bata pa ako ngayon, kaya sa tingin ko tama lang na mag asal akong edad ko. Tama lang na paminsan namnamin ko ang masayang pakikisama sa palagid. 

Iniisip ko pa din. Araw araw. Masaya lang din talaga akong isipin lang. Ang tanong ng aking saloobin ay pabalik balik habang iniisip ko ang mga pangyayari. Mga simpleng pangyayari na ako lang naman ang nagpapalaki. Hindi ko man pinapansin, patuloy syang bumabalik balik para ipaalala na sya ay isa nang tanong. Isang tanong. Isang tanong lang. Ano kayang isasagot nya?

**

Advertisements

Published by

msmry

Filipina. blah blah blah.. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s